Mga alituntunin sa pagpusta
1. Mga alituntunin sa cybergaming
Kung ang isa sa mga manlalaro (o team) ay tinanggal sa match (sa anumang kadahilanan), lahat ng natitirang round/card ay ituturing na talo.
Sa kaganapan na tumagal ang laro nang mahigit 48 oras, kailangang sumailalim sa pagsasauli ang mga pusta sa match sa coefficient ng 1.
Sa kaganapan na itinigil ng mga referee ang isang match at ipinag-utos ang isang rematch, hindi isasaalang-alang ang mga resulta ng itinigil na laro.
Kung ini-replay ang map pagkatapos nitong magsimula, ang mga pusta sa kalalabasan na natukoy nang itinigil ang laro ay mananatili. Babayaran ang lahat ng pusta sa pinag-uusapang map sa odds na 1.00. Mananatili ang mga pusta sa match at babayaran alinsunod sa kalalabasan ng match.
2. Mga uri ng kalalabasan ng cybergaming
Sino Ang Magpapatuloy Sa iminungkahing pandalawahan/magkapareha, papangalanan ng isa ang kalahok na magpapatuloy sa tournament grid. Kapag naalis sa tournament ang parehong kalahok, ang magiging pinakamahusay ay ang kalahok na pinakamalayo ang narating sa tournament grid. Kapag natanggal ang parehong kalahok sa parehong round, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay magiging katumbas ng “1”. Sa kaganapan na tumanggi ang kalahok na pumasok sa tournament bago ito magsimula, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay magiging katumbas ng “1”.
WINNER. Ang winner ay ang kalahok na nakakuha ng unang pwesto sa tournament. Sa kaganapan na tumanggi ang kalahok na pumasok sa tournament bago ito magsimula, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pustang isinagawa sa kalahok na iyon ay magiging “1”.
Pusta sa First Blood – kailangang tukuyin kung alin sa mga team ang unang makakatalo sa katunggaling manlalaro.
Pusta sa First Roshan – kailangang tukuyin kung alin sa mga team ang unang makakatalo sa Roshan.
Pusta sa Round Length – kailangang tukuyin kung tatagal ba ang round nang mas maiksi o mas mahaba kumpara sa iminungkahing oras sa mga minuto. Tanging ang integer value lang ng mga minutong nilaro ang isasaalang-alang, ibig sabihin, hindi isasaalang-alang ang mga segundo.
Ang round total ng handicap, individual total, at even/odd ay ipinakikita sa “mga pagkamatay” maliban kung iba ang tinutukoy ng line. Ang “pagkamatay” ay nangangahulugan na pagkamatay ng isang character para sa anumang kadahilanan (napatay ng mga kalabang character, Roshan, mga creep, atbp.).
Counter-Strike: Global Offensive (CS:GO)
Winner – Pusta sa winner ng match. Magsisimula ang match sa first kill sa isang pistol round.
1x2 – Kagaya ito ng Winner outcome ngunit ipinapahiwatig nito ang tsansa ng draw outcome. Available ito sa mga match kung saan posible ang draw outcome (kagaya ng mga match na BO2 o BO1 na walang overtime).
Handicap 0 – Pusta sa nanalong team nang walang kasamang draw. Kapag mayroong draw outcome, kakalkulahin ang pusta sa odds na 1 (babalik ang pusta).
Map number – Winner (kabilang ang overtime) – Pusta sa winner ng napiling map sa loob ng match. Kabilang ang mga karagdagang round.
Map number – First half winner – Pusta sa team na mauunang manalo ng 8 round sa napiling map.
Map number – Odd/Even number ng mga round – Pusta sa odd o even number ng mga round sa map, hindi kabilang ang overtime.
Map number – Kung may overtime – Pusta kung may overtime ba ang match sa napiling map.
Map number – Kung may team kill – Pusta kung may team kill ba mula sa napiling team sa napiling map. Ang team kill ay nangangahulugang pagpatay sa iyong team member.
Map number – Kung may knife kill – Pusta kung may knife kill ng kalaban mula sa napiling team sa napiling map.
Map number – Winner sa pistol round – Pusta sa team na mananalo sa napiling pistol round.
Map number – Winner sa dalawang pistol round – Pusta sa team na mananalo sa parehong pistol round sa napiling map.
Map number – Natanim ang bomba sa pistol round N – Pusta kung may natanim ba na bomba sa tinukoy na pistol round sa napiling map.
Ang mga pistol round (ang una at ang ikalawa) ay ang una at ikalabing-anim na round sa pangkalahatang score sa map.
Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round ng parehong team sa match, hindi kabilang ang overtime.
Team N – Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round na napanalunan ng tinukoy na team sa match, hindi kabilang ang overtime.
Halimbawa, pumusta ang manlalaro sa kalalabasan na 24.5+ ng team 2. Natapos ang BO3 match sa pagkatalo ng tinukoy na team na may score na 11-16: 13-16. Ang total number ng mga round na napanalunan ng team 2 ay 24 (11+13). Matatalo ang pusta dahil ang number ng mga round na napanalunan ay mas mababa kumpara sa tinukoy na value sa Slip. Ganunpaman, kung inilagay ang pusta sa outcome na mas mababa sa 24.5, at ang number ng mga round na napanalunan sa match ay 24, mananalo ang pusta.
Team N – Napanalunang total number ng mga pistol round – Pusta kung napanalunan ba ng tinukoy na team ang napiling number ng mga pistol round sa match.
Map number – Total number ng mga round – Pusta sa total number ng mga round sa map, hindi kabilang ang overtime. Halimbawa, kung maglalagay ang manlalaro ng pusta sa outcome na 26.5, at ang total number ng mga round na nilaro sa map ay 26, matatalo ang pusta dahil ang number ng mga round na nilaro ay mas mababa kumpara sa value na tinukoy sa Slip. Ganunpaman, kung inilagay ang pusta sa outcome na mas maliit sa 26.5, at ang number ng mga round na nilaro ay 26, mananalo ang pusta. Ang maximum na number ng mga round na maaaring laruin ay 30.
Map number – Total number ng mga round para sa team N – Pusta sa tinukoy na number ng mga round na nilaro ng team N sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime.
Map number – Total number ng mga round para sa team N na nilaro para sa Terrorists/Counter-Terrorists – Pusta sa tinukoy na number ng mga round na napanalunan ng team N sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime, kung naglalaro ito para sa tinukoy na team: atake (Terrorists) o depensa (Counter-Terrorists).
Map number – Total number ng mga round na nagtapos sa pagsabog ng bomba – Pusta sa total number ng mga round sa map (hindi kabilang ang overtime) na nagtapos sa pagsabog ng bomba.
Map number – Total number ng mga kill sa pistol round – Pusta sa total number ng mga kill mula sa parehong team sa tinukoy na pistol round sa map.
Round handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round sa match, hindi kabilang ang overtime.
Map number – Round handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round sa tinukoy na map, hindi kabilang ang overtime.
Map number – Round X Winner – Pusta sa nanalong team sa isang partikular na round sa tinukoy na map. Ang panalo sa round ay matatamo sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng kalaban sa map, pagpapasabog/pagde-defuse ng bomba o pagkaubos ng oras sa round timer.
Map number – Race to X rounds – Pusta sa kung aling team ang mauunang makaabot sa napiling number ng mga round sa tinukoy na map.
Map number – Eksaktong score – Pusta sa pinal na tinukoy na score para sa tinukoy na map. Kung ang score sa map ay umabot sa 15-15, kakalkulahin ang lahat ng pusta sa market na iyon sa odds na 1.
Odd/even number ng mga map – Pusta sa odd o even total number ng mga map na nilaro sa match. Ginagamit lang ito sa mga BO3 match.
Total number ng mga map – Total number ng mga map na nilaro sa match.
Map handicap – Advantage o disadvantage ng isa sa mga team na ipinapakita sa total number ng mga napanalunan o natalong round map.
Eksaktong map score – Ikaw ang pipili ng eksaktong final score sa match na nilaro batay sa mga map.
Map number – Round X – Paraan ng pagkapanalo – Ikaw ang pipili ng eksaktong paraan ng pagkapanalo sa napiling round sa tinukoy na map. Maaaring mapanalunan ang round gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan: pagpatay sa lahat ng kalaban sa map, pagpapasabog ng bomba, pagde-defuse ng bomaba, pagkaubos ng oras sa round timer.
№ map-Total Over + Win- Pusta sa kung aling team ang mananalo sa pinag-uusapang map sa regular na oras at ang total round na na-score ng parehong team ay magiging mas mataas kumpara sa itinalagang total para sa map na ito. Hindi kabilang ang overtime sa mga pusta (kapag nilaro ang overtime, kung gayo’y matatalo ang pusta sa lahat ng outcome para sa market na ito).
OVERTIME
Maaaring mapanalunan ang map sa nang hindi bababa sa 16 na round. Sa kaso ng draw sa map (kapag ang score ay 15-15), kadalasang iminumungkahi ng mga alituntunin ng tournament na maglaro ng karagdagang 6 na round, na tinatawag ding overtime. Ang team na unang mananalo ng 4 sa 6 na karagdagang round sa overtime ang panalo. Sa kaso ng draw sa overtime (parehong team ang nanalo ng tig-3 sa overtime), mag-uumpisa ang susunod na overtime (6 na karagdagang round).
Map number - 1x2 overtime N – Pusta sa nanalo sa napiling overtime sa tinukoy na map ngunit may tsansang draw outcome.
Map number – Eksaktong score ng overtime N – Pusta sa eksaktong final score para sa overtime N sa tinukoy na map.
Map number – Odd/even number ng mga round ng overtime N – Pusta sa odd/even number ng mga round na nilaro sa overtime.
Map number – Total number ng mga round ng overtime N – Pusta sa total number ng mga round na nilaro sa overtime N.
Map number – Winner sa first half ng overtime N – Pusta sa team na mauunang manalo ng 3 round sa overtime N sa napiling map.
Halimbawa, kung maglalagay ang manlalaro ng pusta sa outcome na 5.5+, at ang total number ng mga round na nilaro sa overtime ay 6, mananalo ang pusta dahil ang number ng mga round na nilaro ay mas mataas kumpara sa value na tinukoy sa Slip. Kung inilagay ang pusta sa outcome na mas maliit sa 5.5, at ang number ng mga round na nilaro ay 4 o 5, mananalo ang pusta.
3. Pangangasiwa ng mga account
3.1. Pagbubukas ng isang account
Upang magkaroon ng akses sa lahat ng pangunahing serbisyo sa Site, kailangang buksan ang isang account. Para magawa ito, kailangang ibigay ng manlalaro ang kanyang e-mail address at magtakda ng password na gagamitin sa susunod upang makapasok sa account ng manlalaro.
Mas mainam din kung ilalagay ng manlalaro ang kanyang personal na impormasyon.
3.2. Kawastuhan ng ibinigay na impormasyon
Kinukumpirma ng manlalaro na sa panahon ng pagpaparehistro para sa Site, nagbigay siya ng buo, tumpak, at maaasahang impormasyon tungkol sa kanyang sarili at kung magaganap ang mga pagbabago sa impormasyong ito, kailangang kaagad na ilagay ng manlalaro ang mga ito sa kanyang profile. Ang kabiguang tumalima sa mga alituntuning ito o pagsasawalang-bahala sa mga ito ay maaaring maging daan sa paglalagay ng mga limitasyon sa account ng manlalaro, suspensyon o pagba-block ng account, ganundin ang pagkakansela ng mga pagbabayad.
3.3. History ng pusta
Maaring tingnan ang mga naunang pusta anumang oras sa pamamgitan ng pagpasok sa seksyon ng site na “Mga pusta ko”. Sa paggamit ng filter upang maghanap sa pamamgitan ng petsa, maaari kang pumili ng partikular na panahong gusto mo at tingnan ang iyong mga pusta.
3.4. History ng account
Maaaring maakses anumang oras ang lahat ng iyong transaksyong pinansyal. Para tingnan ang mga ito, mag-log in at pumasok sa seksyon na “Cashbox” at sa seksyon na “History ng pagbabayad”.
history
3.5. Balanse mo
Ipinakikita ang kasalukuyang balanse ng iyong account sa pinakaitaas ng site. Available ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa katayuan ng iyong tunay at bonus na balanse sa iyong profile sa seksyon na “Balanse”.
4. Mga pagdedeposito
Bago ang pagdedeposito ng mga pondo sa iyong account, kailangan mong mag-log in. Pagkatapos na makapag-log in sa system, mag-click sa “Cashbox” para pumili ng mga paraan ng pagdedeposito ng mga pondo sa balanse mo. Pagkatapos pumili ng paraan ng pagbabayad na maalwan para sa iyo (hal. Visa o Mastercard), ilagay ang halagang idedeposito at i-click ang “Ideposito” .
Depende sa paraan ng pagbabayad na napili mo, maaari kang mailipat sa page para sa pagbibigay ng mga kinakailangang mga kredensyal sa pagbabayad. Ilagaya ng kinakailangan mga detalye at i-click ang “Magbayad”. Kung matagumpay ang transaksyon, kaagad na lalabas ang pera sa balanse mo kung gano’n.
5. Mga uri ng pusta
5.1. Ordinary
Ang Ordinary bet ay pusta sa isang seleksyon sa isang event. Ito ang pinakasimpleng uri ng pusta, kung saan kailangang manalo ang seleksyon mo para makatanggap ka ng mga napanalunan (ang ibinabalik). Pagkatapos pumili ng isang partikular na resulta na gusto mong pustahan, kailangan mo lang tukuyin ang ninanais na halaga ng pusta at kumpirmahin ito. Kung tama ang resulta, panalo ka kung gano’n. Kinakalkula ang mga napanalunan sa pamamgitan ng pagmu-multiply sa coefficient ng halaga ng iyong pusta.
5.2. Express
Sa pamamagitan ng pagpusta sa outcome ng dalawa o higit pang mga event, awtomatikong malalagay ang iyong pusta sa Express bet slip. Kinakalkula ang total coefficient para sa Express bet sa pamamagitan ng pagmu-multiply ng mga coefficient ng lahat ng outcome.
Tandaan na para manalo, dapat mahulaan ang lahat ng event na kabilang sa Express bet; ang pagkatalo sa isa sa mga event sa Express bet ay mangangahulugang pagkatalo sa buong Express bet.
- Express (2) – ito ay isang pusta sa dalawang seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang parehong seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik);
- Express (3) – ito ay isang pusta sa tatlong seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang tatlong seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik);
- Express (X) – ito ay isang pusta sa X number ng mga seleksyon sa magkakaibang event. Kailangang mapanalunan ang X number ng mga seleksyon para makatanggap ng mga napanalunan (ang ibinabalik).
5.3. System
Sa pamamagitan ng pagtaya sa outcome ng tatlo o higit pang event, posible na makagawa ng isang uri na "system" bet sa betting slip. Sa uring ito ng pagpusta, mayroon kang option na lumikha ng maraming combo bet na magiging bahagi ng "system". Ang “posibleng mapanalunan” ng nabanggit na pusta ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga napanalunan ng lahat ng express bet na kumakatawan sa "system". Pagpili ng kumbinasyon, halimbawa, dalawa sa tatlo (2 \ 3) o tatlo sa anim (3 \ 6), pipili ka ng bilang ng mga outcome na dapat manalo upang makakuha kahit papaano ng bahagi ng mga napanalunan. Upang makuha ang buong “mga posibleng mapanalunan”, kailangan mong hulaan ang lahat ng event na kabilang sa "system". Ang pagkatalo sa isa sa mga event ng "system" ay magreresulta sa mas maliit na pakinabang. Sa ilang mga kaso, ang mga napanalunan ay maaaring mas kaunti kumpara sa halaga ng pusta. Dahil magkakapantay na ibinabahagi ang mga pondo sa "system" sa pagitan ng mga constituent express nito kapag pumupusta, magdedepende ang halaga ng panalo kung alin sa mga express at sa kung anong odds ang kanilang nilaro. Kinakalkula ang sukat ng kabuuang pusta sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa lahat ng pusta sa mga grupo. Ang grupo ay isang combo bet sa "system".
- System (2\3 - dalawang event sa tatlo) na binubuo ng 3 express, alinman sa mga ito ay gagawa ng dalawang event. Kailangang mapanalunan ang dalawang outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (3);
- System (2\4 – dalawang event sa apat) na binubuo ng 6 na combo bet, alinman sa mga ito ay gagawa ng dalawang event. Kailangang mapanalunan ang dalawang outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (4);
- System (2\4 – tatlong event sa anim) na binubuo ng 20 express, alinman sa mga ito ay gagawa ng tatlong event. Kailangang mapanalunan ang tatlong outcome upang makakuha ng bahagi ng mga napanalunan, at upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (6);
- System (X\Y - X event mula sa Y) ay ang 'Z' number ng mga combo bet, alinman sa mga ito ay 'X' number ng mga event. Kailangang mapanalunan ang ‘X’ outcome upang makuha ang buong halaga ng “mga posibleng mapanalunan”, kailangang mapanalunan ang lahat ng outcome (Y);
Bago maglagay ng pusta, maaari mong i-check ang istruktura ng kumbinasyon at posibleng panalo ng bawat mga combo bet sa seksyon na “Pumili ng kumbinasyon” sa pamamagitan ng pag-click sa check mark na nasa kanan ng numero na nagpapahiwatig ng bilang ng mga combo bet na bahagi ng "system".
6. Pangkalahatang alituntunin
6.1. Mga pagbabago sa alituntunin
Pinanatili ng GG.BET ang karapatang i-update ang mga alituntunin anumang oras at magdagdag ng mga bagong alituntunin. Sa ganitong kaso, ang mga bagong alituntunin o isang bagong bersyon ng mga alituntunin ay dapat magkaroon ng kapangyarihan at kailangang kaagad na mailapat sa oras ng pagkakalathala ng mga ito sa website. Dapat pamahalaan ng na-update na mga alituntunin ang lahat ng isinagawng pusta pagtapos ng pagkakalathala ng naturang mga alituntunin.
6.2. Mga paghihigpit sa edad
Ang mga taong wala pa sa edad na 18 (mula rito ay tinutukoy bilang “Limit ng Edad”) ay pinagbabawalan sa pagparehistro sa website ng kumpanya at/o maglagay ng mga pusta. Ang paggamit ng Site ng taong hindi pa sumasapit sa Limit ng Edad ay magiging direktang paglabag sa Kasunduan. Kaugnay nito, may karapatan kaming humingi ng dokumentasyon na makakapagpatunay sa edad ng manlalaro. Maaaring tanggihan ang manlalaro ng probisyon ng mga serbisyo, at maaaring pansamantalang itigil ang aktibidad sa kanyang account kung sa oras na hiniling namin ay walang ibinigay na patunay na ang edad ng manlalaro ay lampas sa Limit ng Edad.
6.3. Proteksyon ng personal na impormasyon
Upang ipakitang matatag ang posisyon namin sa pagsasagawa ng negosyo alinsunod sa mga internasyunal na pamatayan, inilalathala namin ang probisyong ito sa pagprotekta sa data. Naniniwala kami na maitatayo lamang ang wastong mga pakikipagrelasyon sa negosyo sa pundasyon ng katapatan at pagtitiwala. Samakatuwid, napakahalaga para sa amin ng pagiging-kumpidensyal ng iyong personal na impormasyon.
Maaari kang masayang makapaglaro taglay ang kaalaman na ginagawa namin ang lahat ng hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng iyong mga transaksyon. Lahat ng iyong impormasyon (kabilang ang iyong e-mail address, IP address, at ibang impormasyon) ay pribado at kumpidensyal at hindi ililipat, ipagbibili, o ipapamahagi sa mga ikatlong partido.
Sumusuporta ang GG.BET sa mga patakarang pagpigil sa spam. Lahat ng e-mail na ipinapadala sa aming mga manlalaro ay nauugnay sa kanilang mga player account. Maari ring maglaman ang e-mail ng mga kasalukuyang mga promotonal material at impormasyon tungkol sa mga bagong feature ng site. Ang impormasyon tungkol sa mga napanalunan ng manlalaro at mga aksyong isinagawa niya ay mahigpit na kumpidensyal at nakatago sa isang protektadong lugar.
Hindi nagsisiwalat ang GG.BET ng impormasyon tungkol sa mga napanalunan maliban sa mga kaso na ang naturang impormasyon ay opisyal na hiniling ng mga otoridad sa regulasyon. Kung mayroon kang anumang katanungan sa proteksyon ng iyong personal na impormasyon, pakikontak ang online support service. Ikalulugod naming tulungan ka.
6.4. Maramihang pagpaparehistro
Ipinagbabawala ng pagbubukas ng higit sa isang player account. Kung mapag-alaman na mayroong maraming player account ang kalahok sa pagpusta, kung gayo’y isasara ang lahat maliban sa isa, at ang mga karagdagang ispesyal na alok ng kumpanya ay ipadadala lamang sa natitirang player account.
Kung mapaghinalaan na ang kalahok sa pagpusta ay nagbukas ng maraming player account na may layuning magsamantala sa mga promosyonal na alok o bonus, may karapatan ang kumpanya na i-withdraw ang lahat ng bonus at alok at hindi isaalang-alang ang mga ito kapag nagkakalkula ng mga susunod na pusta.
7. Mga alituntunin sa pagtanggap ng pusta
7.1. Tumatanggap ng mga pusta ang GG.BET sa batayan ng mga aktibong line na ipinapakita sa website ng GG.BET sa petsa na natapos ang pusta.
7.2. Tinatanggap ang mga pusta para sa karaniwang oras ng match maliban kung iba ang nakasaad sa mga alituntunin.
7.3. Tinatanggap ang mga pusta bago ang pagsisimula ng event. Ang mga hindi kabilang sa mga alituntuning ito ay ang mga Live bet, na kinukuha para sa mga event na kasalukuyang nagaganap. Kapag pumupusta, kinukumpirma ng manlalaro na hindi niya alam ang outcome ng event kung saan siya pumupusta.
7.4. Tinatanggap ang lahat ng pagtatalo (maling kalkulasyon ng pusta, ‘di-nakalkulang pusta, atbp.) para sa 30 araw mula sa sandaling nagtapos ang event.
7.5. Maaaring gawin ng GG.BET ang mga pagbabago sa Mga Line anumang oras (coefficient ng mga napanalunan, mga value ng mga handicap at total, mga limit sa mga express bet, halaga ng maximum na pusta, atbp.). Dapat panatilihin ang mga tuntunin para sa pagpusta na ginawa ng Manlalaro bago ang mga pagbabago sa Line.
7.6. Itinatakda ng GG.BET ang minimum at maximum na laki ng mga pusta sa lahat ng sporting event at maaaring baguhin nang walang paunang nakasulat na abiso.
7.7. Anumang pusta (kabilang ang Live bet) na inilagay sa isang event, ang resulta ng alinman na alam na sa oras ng pagpusta, ay dapat na ituring bilang walang-saysay at walang-bisa at dapat masailalim sa pagbabalik, ganundin na matanggal mula sa express bet.
7.8. Kakalkulahin ang lahat ng mga pre-match bet na naisagawa pagkatapos mag-umpisa ng laro sa odds na katumbas ng 1.
7.9. Bagama’t ginagawa ng GG.BET ang lahat ng pagsusumikap na magbigay ng tumpak na impormasyon, walang pananagutan ang kumpanya para sa malilinaw na pagkakamali na nagawa ng tauhan at/o mga pagtatanggal na maaaring magdulot ng maling display ng mga coefficient, paglalagay ng mga resulta, listahan ng mga kalahok o ang oras ng pagsisimula ng mga event.
7.10. Ang manlalaro ang tanging may pananagutan para sa kanyang mga pusta. Obligado ang manlalaro na tiyaking tama ang mga detalye ng kanyang pusta. Sa sandaling naisagawa na ang pagpusta at nakumpirma na ang pagtanggap dito, hindi na ito mababago o makakansela ng Manlalaro. Lahat ng pusta ay malinaw na ipinapakita sa screen kasama ng kahilingan sa Kliyente na ilagay ang kanyang password para ipakita ang kasunduan sa mga tuntunin ng pusta bago tanggapin ang naturang pusta. Pagkatapos matanggapa ang pusta, hindi na ito mababago.
7.11. Hindi dapat maging dahilan ang connection failure o iba pang technical fault sa mga komunikasyon ng Manlalaro upang ikansela ang isang pusta kung nakarehistro na sa server ang pusta.
7.12. Sa mga kaso na, kung sa anumang kadahilanan ay natalo ang team sa paraang teknikal o isa sa mga kalaban ay nadiskwalipika bago matapos ang match, lahat ng market, kung saan nalaman na ang mga resulta sa panahon ng pagkaantala ng match, ay kakalkulahin ayon sa mga resultang umiiral, kakalkulahin ang mga natitirang market sa odds na 1.
Sa mga kaso na, kapag bagahi lamang ng mga map o round ang nilaro sa series, babayaran ang market para sa pagkapanalo sa match ayon sa opisyal na score ng match, at ibabalik ang lahat ng ibang market (kabilang ang eksaktong score, mga handicap, mga total, odd / even).
Hindi kabilang kapag nabago ang format ng match. Sa ganitong kaso, babayaran ang mga pusta para sa nilarong map/mga map sa match; ire-refund ang "Winner" market ganundin ang lahat ng market (kabilang ang eksaktong score, mga handicap, mga total, mga odd/even map) .
7.13. May karapatan ang GG.BET na hindi tumanggap ng mga pusta mula sa mga Player nang hindi nagbibigay ng dahilan, at hindi rin tumanggap ng mga pusta mula sa mga lumabag sa mga Panuntunan, at pinananatili ng GG.BET ang karapatan na isara o pansamantalang i-block ang mga account ng mga indibidwal na Kliyente nang walang paunang abiso.
7.14. Pinagbabawalan ang mga user sa paglalagay ng mga identical bet sa parehong match upang lampasan ang mga limit. Ituturing ang mga naturang aksyon bilang mabigat na paglabag sa mga alituntunin at maaaring maging daan sa mga karagdagang limit, mga betting cap, at maaaring magresulta sa pagba-block ng account.
7.15. GAME TIME OVER/UNDER
Kinakalkula ang mga pusta sa market na ‘GAME TIME OVER/UNDER’ batay sa tagal ng total map/match. Tinutukoy ng opisyal na in-game timer ang tagal. // Halimbawa: GAME TIME OVER/UNDER, nilaro ang map nang 36 na minute at 01 segundo. Itinuturing ito bilang ika-37 minuto, at ang mananalong pusta ay ‘Over 36.5’, ang matatalong pusta ay ‘Under 36.5’. Kung nilaro ang map nang 36 na minuto at 00 na segundo, samakatuwid ang mananalong pusta ay ‘Under 36.5’, at ang matatalong pusta ay ‘Over 36.5’.
7.16. Kapag na-postpone, nagambala, o nakansela ang isang sporting event sa anumang kadahilanan, mananatili ang lahat ng pusta sa event na ito hanggang sa maganap ang event, sa kundisyong mangyayari ito sa loob ng 48 oras ng orihinal na opisyal na oras ng pagsisimulang naka-iskedyul. Kung hindi makukumpleto ang event sa loob ng 48 oras, babayaran ang naturang mga pusta sa odds na 1.00.
7.17. Ang ibig sabihin ng winner ay ang mga pustang inilagay sa winner ng match. Binabayaran ang mga pusta batay sa nanalong number ng mga map o round (kung tumagal lang ng 1 map ang match). Babayaran ang mga pusta kabilang ang mga extra round (maliban kung iba ang tinukoy sa 7.13).
7.18. Kung may kaganapang pipigil sa normal na operasyon ng bookmaker (teknikal na problema, pagkakamali ng tao, atbp.), ang mga pusta ay ituturing na null at void at ibabalik nang buo sa mga user.
8. Paglalagay ng mga pusta mula sa balanse ng bonus ng isang tao
8.1. Kapag naglalagay ng mga pusta mula sa balanse ng bonus ng isang tao, inilalapat ang mga alituntunin at kundisyon para sa pagtaya sa isang aktibong bonus. Maaari mong kabisaduhin ang mga kundisyong ito sa seksyon na “Mga Promosyon” sa GG.BET.
8.2. Kapag nailagay ang pusta mula sa balanse ng bonus na hindi pa nanalo at nagamit na sa payout bago ang oras na kinakalkula ang pusta, makakansela ang nasabing pusta at wala nang karagdagan pang kalkulasyon ang isasagawa rito.
8.3. Mayroong dalawang balanse ang bawat manlalaro: isang tunay at isang bonus. Pangunahing ginagamit para sa mga pagpusta ang tunay na balanse ng manlalaro. Saka lamang siya makakapagsimulang maglaro gamit ang mga bonus na pondo kapag naging zero na ang halaga ng account ng manlalaro. Lahat ng mga napanalunang natanggap kapag naglalaro gamit ang mga bonus na pondo ay dapat kalkulahin sa balanse ng bonus ng manlalaro.
8.4. Kapag naisagawa ang pusta mula sa balanse ng bonus na nanalo sa bandang huli (gagawing tunay na mga pondo ang mga ito), samakatuwid ay wala nang gagawing karagdagang kalkulasyon sa pustang iyon.
8.5. Kung ayaw gamitin ng isang manlalaro ang mga bonus na pondo sa anumang kadahilanan, kung gano’n, maaari siyang maglagay ng mga pusta gamit ang mga tunay na pondo nang hindi pinakikialaman ang mga bonus na pondo. Maaaring maakses ng manlalaro ang kasalukuyang halaga ng available na mga tunay na pondo sa pamamagitan ng pag-click sa kanyang balanse na nasa itaas na bahagi ng screen.
9. Mga Live bet
Kinukuha ang mga Live bet sa panahon ng event at para lamang sa mga outcome, na hindi pa natutukoy ang mga resulta. Iniaalok ang mga Live bet sa ispesyal na seksyong “Mga Live bet”
9.1. Coefficient sa mga Live bet
Nagbabago sa real time ang coefficient para sa mga event. Maaaring tumaas o bumagsak ang coefficient sa panahong nasa pagitan ng pagpili ng pusta at pagtanggap dito, na maaaring makaimpluwensya sa halaga ng mga mapapanalunan. Unti-unting nagbabago ang coefficient para sa mga pustang ito upang maipakita ang pag-usad ng mga event sa match
9.2. Mga Resulta para sa mga Live bet
Ang mga resulta ng mga “Live” bet, sa batayan kung saan kinakalkula ang mga pusta, ay ang mga resulta na nalalaman kaagad pagkatapos ng event. Hindi isasaalang-alang ang lahat ng susunod na pagbabago kapag pinagpapasyahan ang iminumungkahing mga “Live” bet.
Isinasagawa ng GG.BET ang kalkulasyon ng mga “Live” bet sa batayan ng sarili nitong statistical data sa kasagsagan ng laro. Maliban kung iba ang nakasaad, sa mga “Live” bet, dapat ituring na walang-saysay at walang-bisa ang lahat ng pusta sa mga atletang hindi nakikilahok sa kumpetisyon. Para sa mga outcome, na nalaman na ang mga resulta sa panahon ng match, ang kalkulasyon ng mga pusta ay dapat direktang isagawa sa oras ng pagkumpleto ng event kung maaari.
Lahat ng pusta sa outcome ng alinmang tinukoy sa “Live” mode (sa partikular, ang mga pusta sa kung sinong mananalo sa isang partikular na segment ng match o kung ang total ba ay ubuuin ng “higit pa”), ay dapat ituring na balido at kakalkulahin kahit na sa kaganapang nagambala ang tournament o event .
Dapat isaalang-alang ang mga paghahabol para sa mga pustang isinagawa sa Live event sa loob ng 24 na oras mula sa pagsisimula ng event.
Kapag nagambala ang match o hindi nakumpleto sa loob ng 48 oras, hindi dapat sumailalim sa muling pagkakalkula ang mga pustang nakalkula hanggang sa sandaling ito. Para sa mga outcome, na hindi malinaw na tinutukoy ang mga resulta, na hindi pa nagaganap at/o hindi pa lubos na nakukumpleto, ang coefficient ng mga napanalunan sa mga pusta ay dapat na katumbas ng “1” (pagbabalik ng pusta).
10. Minimum at maximum na pusta
10.1. Minimum na pusta
Ang sukat ng minimum na pusta para sa lahat ng event at sports ay 0.5 euro o katumbas sa USD.
10.2. Maximum na pusta
Ipinapakita ang maximum na sukat ng pusta sa kasalukuyang line at partikular na tinutukoy ng GG.BET sa bawat event, ganundin para sa bawat uri ng pusta, at napapailalim sa pagbabago nang walang paunang anumang uri ng abiso.
Pinananatili ng GG.BET ang karapatang limitahan ang minimum at maximum na halaga ng pusta sa mga indibidwal na event, tanggihan o ikansela ang paulit-ulit na pusta para sa isa at parehong resulta, o sa talagang magkatulad na kumbinasyon ng mga resulta mula sa isang kalahok ng pusta at/o isang grupo ng mga kalahok ng pusta, ganundin ang pasimulan o ikansela ang lahat ng uri ng limitasyon para sa kahit kaninong kalahok ng pusta at/o grupo ng mga kalahok ng pusta nang walang karagdagang abiso at anumang pagpapaliwanag ng dahilan para sa naturang mga limitasyon.
11. Mga bonus at promosyon
Regular na nag-aalok ang GG.BET ng mga promosyon para sa mga bago at matatagal nang manlalaro. Maaarin kang kumuha ng higit pang impormasyon sa pamamagitan ng pagkontak sa aming support team
12. MGA ALITUNTUNIN SA PAGPUSTA SA PLAYERUNKNOWN'S BATTLEGROUNDS (PUBG), FORTNITE AT Call of Duty Warzone
12.1. Available na makukuha ang rekord ng match bilang isang Twitch clip sa pamamagitan ng paghiling. Isasaalng-alang ang lahat ng reklamo sa loob ng 24 na oras simula sa pagtatapos ng match.
12.2. “Total Headshot Kills” market – mga frag lang (mga kill ng kalaban) na nagawa sa pamamagitan ng headshot ang isasaalang-alang.
12.3. Kapag nilaro ang laro sa format ng mga team (duo o squad), ang mga “Total Kills” at ang “Total Headshot Kills” market lang ang kinakalkula sa resulta ng isang manlalaro, na ipinapahiwatig sa header ng laro, ngunit ibibilang ang pinal na pwesto sa rate market (Top 5/10/20 ... ) ayon sa buong resulta ng team.
12.4. Sa kasong aalis sa match ang isang streamer sa pamamagitan ng game menu bago ang paglapag, mananatiling may bisa ang lahat ng pusta para sa susunod na match.
12.5. Kung mayroong mga pangyayari na kung saan ay hindi malaman ang resulta ng match, samakatuwid ang mga pustang nilaro sa sandaling iyon ay mapapabilang dahil sa mga resulta ng pagtatapos ng match, lahat ng ibang pusta ay magreresulta sa odds na 1.0.
12.6. Kung papalitan ng streamer ang game mode, kakalkulahin ang lahat ng pustang naisagawa bago ang paglapag sa odds na 1.0.
12.7. Hindi mananagot ang Kumpanya para sa anumang aksyon ng streamer (manlalaro), bug o software error sa laro na humadlang sa manlalaro na matamo ang ninanais na resulta.
12.8. Sa kaso ng streamsniping, inilalaan ng kumpanya sa sarili nito ang karapatang kwentahin ang lahat ng mga pustang isinagawa sa match na ito sa odds na 1.0.
13. Mga pangunahing panuntunan sa pagpusta sa esports
13.1. Ang mga karaniwang panuntunan sa pagpusta sa GG.BET ay nalalapat sa lahat ng uri ng pusta, pagsasaayos ng pusta, at maximum na payout sa pagpusta sa esports.
13.2. Kung ang isang match ay inabandona dahil sa pag-forfeit o pag-disqualify ng isang kalaban, pagkawala ng koneksyon sa internet, muling pagsisimula o pagsuspinde ng match, mga teknikal na kabiguan, o pakikialam, ang mga pusta sa lahat ng mga market ay mawawalan ng bisa, maliban sa mga kaso kung saan ang market outcome ay natukoy na bago inabandona ang laban.
13.3. Kung ang match ay hindi nakumpleto sa loob ng 48 oras, ang mga pusta ay idedeklara na walang bisa at ibabalik.
13.4. Esports football
13.4.1 Ang esports football ay isang virtual event na binubuo ng isang computer-generated na modelo ng isang live na laban.
13.4.2. Ang mga esports football tournament ay nagaganap sa FIFA 23.
13.4.3. Ang modelo ng laro ay binuo ng artificial intelligence, na responsable para sa mga outcome ng mga match.
13.4.4. Ang mga panuntunan sa pagsasaayos ng pusta ay kapareho ng para sa football.
13.4.5. Ang mga pusta sa mga match ng esports football ay tinatanggap sa regular na oras, at kasama ang injury time na idinaragdag ng referee sa dulo ng bawat half.
13.4.6. Ang mga pustang “Magku-qualify” ay inaalok sa mga match ng tournament kung saan, kung sakaling magkaroon ng draw sa regular na oras, ang mga panuntunan ay nagsasaad na ang dagdag na oras at/o mga penalty ay dapat laruin para matukoy ang panalo.
13.4.7. Walang mga limitasyon sa bilang ng mga substitution na maaaring gawin at ang mga team ay maaaring binubuo ng anumang kumbinasyon ng mga player.
13.4.8. Ang lahat ng mga match ay naka-stream online.
13.4.9. Kung ang isang match ay itinigil dahil sa mga teknikal na kahirapan (pagkabigo ng computer, pagkawala ng koneksyon, atbp.), ang mga pusta ay binabayaran sa odds na 1.00, maliban sa mga pusta sa mga market na ang outcome ay natukoy na bago naantala ang match.
13.4.10. Kung ang stream ng isang event ay naantala dahil sa isang teknikal na malfunction (pagkawala ng koneksyon, DDoS, atbp.), ang mga pusta ay mananatili, maliban sa mga sitwasyon kung saan imposibleng matukoy ang panghuling resulta ng match.
13.4.11. Ang betting company ay tumatanggap ng mga pusta sa mga sumusunod na format ng laro: FIFA 23. 2х4 min., Volta Rush 4v4. FIFA 23, Volta Football League. FIFA 23
13.5. FIFA 23. 2х4 min.
13.5.1. Ito ay tumutukoy sa format ng laro sa FIFA kung saan dalawang virtual na team, na bawat isa ay may 11 player, ay naglalaban sa isang virtual na football pitch.
13.5.2. Haba ng regular na oras: 8 minuto (2 4-minutong half)
13.5.3. Para sa mga match kung saan ang regular na oras ay nagtatapos sa isang draw, ang dagdag na oras at/o mga penalty ay dapat laruin para matukoy ang panalo.
13.5.4. Antas ng kahirapan: Legendary
13.5.5. Format ng laro: 11x11
13.5.6. Ang mga pusta ay tinatanggap sa regular na oras, at hindi kasama ang dagdag na oras o mga penalty, maliban sa mga pustang “Magku-qualify”.
13.5.7. Ang mga pustang “Magku-qualify” ay inaalok sa mga match na nagtatapos sa isang draw pagkatapos ng regular na oras at ang mga panuntunan ay nagtatakda ng dagdag na oras at/o mga penalty ay dapat na laruin para matukoy ang panalo.
13.6. Volta Rush 4v4. FIFA 23
13.6.1. Ito ay tumutukoy sa Volta mode sa FIFA kung saan dalawang virtual na team, na bawat isa ay may 4 na player, ay naglalaro ng street football sa isang maliit na virtual na football pitch na walang mga goalkeeper.
13.6.2. Haba ng match: 6 minuto (2 3-minutong half)
13.6.3. Format ng laro: 4x4 13.6.4. Antas ng kahirapan: Legendary
13.7. Volta Football League. FIFA 23
13.7.1. Ito ay tumutukoy sa format ng laro sa FIFA kung saan dalawang virtual na team, na bawat isa ay may 5 player, ay naglalaro ng street football sa isang maliit na virtual na football pitch.
13.7.2. Haba ng match: 6 minuto (2 3-minutong half)
13.7.3. Format ng laro: 5x5
13.7.4. Antas ng kahirapan: World Class
13.8. Esports basketball
13.8.1. Ang esports basketball ay isang virtual, computer-generated simulation na gumagamit ng NBA2K para gayahin ang mga match sa basketball.
13.8.2. Ito ay isang virtual event na binubuo ng isang computer-generated na modelo ng isang live na laban.
13.8.3. Ang modelo ng laro ay binuo ng artificial intelligence, na responsable para sa mga outcome ng mga match.
13.8.4. Ang mga match ay nilalaro sa loob ng apat na quarter ng 4, 5, 6, 10, o 12 minuto bawat isa (ang haba ng bawat quarter ay nakasaad sa pangalan ng tournament) at 3 minutong overtime.
13.8.5. Antas ng kahirapan: Нall of Fame
13.8.6. Mga uri ng pusta na available:
- Mananalo Kabilang Ang Overtime
- Handicap Kabilang Ang Overtime
- Total Kabilang ang Overtime (Over/Under)
- Indibidwal na Total Kabilang ang Overtime (Over/Under)
- Mananalo (Quarter)
- Handicap (Quarter)
- Total (Over/Under) (Quarter)
- Indibidwal na Total (Over/Under) (Quarter)
13.8.7. Kung ang isang match ay itinigil dahil sa mga teknikal na kahirapan (pagkabigo ng computer, pagkawala ng koneksyon, atbp.), ang mga hindi naisaayos na pusta ay babayaran sa odds na 1.00.
13.8.8. Ang mga pusta sa isang rematch (kung ito ay magaganap) ay tinatanggap bilang mga pusta sa isang bagong event.
13.8.9. Kung ang stream ng isang event ay naantala dahil sa isang teknikal na malfunction (pagkawala ng koneksyon, DDoS, atbp.), ang mga pusta ay mananatili, maliban sa mga sitwasyon kung saan imposibleng matukoy ang huling outcome ng isang match.
13.8.10. Ang maximum na halaga ng taya ay itinakda ng betting company para sa bawat event at bawat market nang paisa-isa.
13.8.11. Ang mga limitasyon at halaga ng taya ay maaaring iakma para sa iba't ibang tournament nang walang paunang abiso.
13.9. Esports streetball
13.9.1. Ang esports streetball ay isa sa iba't ibang mga mode ng laro na itinatampok sa basketball simulator NBA2K.
13.9.2. Ang streetball ay maaaring sumunod sa iba't ibang mga format: 1x1, 2x2, 3x3, 4х4, at 5х5 (Ang format ng match ay kasama sa pangalan ng tournament)
13.9.3. Antas ng kahirapan: Нall of Fame
13.9.4. Ang roster (mga parameter at lakas ng mga kalahok) ay magiging opisyal sa sandaling magsimula ang event (kung ang match ay magaganap sa 2х2, 3х3, 4х4, o 5х5 na format, ang pinakamalakas ang mga player mula sa mga roster ng kalahok na mga team ay lalahok).
13.9.5. Ang mga match ay nilalaro hanggang sa 11 puntos sa loob ng isang round.
13.9.6. Ang isang team/player ay nakakakuha ng 1 point para sa bawat matagumpay na shot sa laro mula sa lugar sa loob ng anim na metrong linya (6.2 m), o para sa isang penalty shot.
13.9.7. 2 points ang iginagawad para sa isang matagumpay na shot mula sa likod ng anim na metrong linya.
13.9.8. Kung ang isa sa mga kalahok/team ay umabot sa 10 puntos na may margin ng panalo na mas mababa sa 2 points, magpapatuloy ang paglalaro hanggang sa ang margin ng panalo ay humigit sa 1 point.
13.9.9. Ang mga pre-match at Live na pusta ay parehong tinatanggap sa mga match.
13.9.10. Ang lahat ng mga match ng esports streetball ay naka-stream online.
13.9.11. Mga uri ng pusta na available:
- Mananalo
- Handicap
- Total (Over/Under)
- Total (Odd/Even)
- Indibidwal na Player/Mga Total ng Team (Over/Under)
- Paunahan Sa Puntos (kung aling team ang unang makakaabot ng 3, 4, 5 points atbp.)
- Mananalo Ng Puntos (sinong player/team ang su-score ng 1st, 2nd, 3rd point atbp.)
13.9.12. Kung ang match ay itinigil dahil sa mga teknikal na kahirapan (pagkabigo ng computer, pagkawala ng koneksyon, atbp.), ang mga hindi naisaayos na pusta ay binabayaran sa odds na 1.00.
13.9.13. Ang mga pusta sa isang rematch (kung ito ay magaganap) ay tinatanggap bilang mga pusta sa isang bagong event.
13.9.14. Kung ang stream ng isang event ay naantala dahil sa isang teknikal na malfunction (pagkawala ng koneksyon, DDoS, atbp.), ang mga pusta ay mananatili, maliban sa mga sitwasyon kung saan imposibleng matukoy ang huling outcome ng isang match.
13.9.15. Ang maximum na halaga ng taya ay itinakda ng betting company para sa bawat event at bawat market nang paisa-isa.
13.9.16. Ang mga limitasyon at halaga ng taya ay maaaring iakma para sa iba't ibang tournament nang walang paunang abiso.
13.10. Esports tennis
13.10.1. Ang Esports tennis ay isang virtual, computer-generated na kumpetisyon ng tennis na ginagaya ang mga totoong laban gamit ang AO Tennis.
13.10.2. Ang modelo ng laro ay binuo ng artificial intelligence, na responsable para sa mga outcome ng mga match.
13.10.3. Ang mga panuntunan ay kapareho ng nasa tennis.
13.10.4. Ang isang match ay maaaring binubuo ng isa, tatlo, o limang set depende sa format ng match o tournament (kasama sa pangalan ng tournament).
13.10.5. Mga panuntunan sa paglalaro:
- Ang panalo ay tinutukoy ng kung sino ang mananalo ng pinakamaraming set.
13.10.6. Set:
- Ang isang player ay dapat manalo ng anim na laro para manalo ng isang set.
- Kung ang score sa set ay 5-5, hindi bababa sa dalawa pang laro ang dapat na laruin.
- Kung ang score ay umabot sa 7-5, tapos na ang set.
- Kung ang score ay umabot sa 6-6, lalaruin ang isang tie-break.
13.10.7. Laro:
- Ang bawat laro ay magsisimula sa 0-0.
- Kung ang isang player ay nanalo ng isang puntos kapag nagse-serve, ang score ay magiging 15-0. Kung sila ay matalo, magiging 0-15 ito.
- Sa bawat puntos na napanalunan, ang score ay lilipat sa 30, pagkatapos ay 40, at ang susunod na puntos na mapapanalunan ay magpapanalo sa laro basta't ang score ng kalaban ay hindi hihigit sa 30.
- Kung ang score ay umabot sa 40-40, ang laro ay magpapatuloy hanggang ang isa sa mga player ay makapagtatag ng dalawang-panalong margin sa isa pang player.
13.10.8. Tie-break:
Ang magsisimulang player ay magse-serve nang isang beses, pagkatapos ang kanyang kalaban ay magse-serve nang dalawang beses, at ang serve ay patuloy na magpapalit sa bawat dalawang serve.
Ang unang player na umabot sa 7 points na may lamang na hindi bababa sa 2 points ang mananalo sa tie-break.
Ang tie-break ay magpapatuloy hangga't kinakailangan para makapagtatag ng dalawang-puntos na lamang ang isa sa mga player.
13.10.9. Kung ang sahig ng pinaglalaruan ay magbabago, mananatiling valid ang mga pusta.
13.10.10. Mga uri ng pusta na available:
- Handicap
- Total (Over/Under)
- Indibidwal na Total (Over/Under)
- Tamang Score
- Total (Odd/Even)
- Mananalo Sa Laro
- Player Ay Mananalo + Total Na Mga Laro
- Ang mga Handicap at Total ay isinasaayos ayon sa mga laro.
13.10.11. Kung ang match ay itinigil dahil sa mga teknikal na kahirapan (pagkabigo ng computer, pagkawala ng koneksyon, atbp.), ang mga hindi naisaayos na pusta ay binabayaran sa odds na 1.00.
13.10.12. Ang mga pusta sa isang rematch (kung ito ay magaganap) ay tinatanggap bilang mga pusta sa isang bagong event.
13.10.13. Kung ang stream ng isang event ay naantala dahil sa isang teknikal na malfunction (pagkawala ng koneksyon, DDoS, atbp.), ang mga pusta ay mananatili, maliban sa mga sitwasyon kung saan imposibleng matukoy ang huling outcome ng isang match.
13.10.14. Ang maximum na halaga ng taya ay itinakda ng betting company para sa bawat event at bawat market nang paisa-isa.
13.10.15. Ang mga limitasyon at halaga ng taya ay maaaring iakma para sa iba't ibang tournament nang walang paunang abiso.
13.11. Esports ice hockey
13.11.1. Ang mga patakaran sa pagsasaayos ng pusta ay kapareho ng para sa ice hockey.
13.11.2. Ang mga match ay binubuo ng tatlong period na hindi kasama ang extra time o mga penalty shootout.
13.11.3. Ang mga pusta ay inaayos sa regular na oras lamang, maliban kung iba ang nakasaad sa bet slip o sa sportsbook.
14. CASHOUT
14.1. Pinahihintulutan ka ng Cashout na bayaran nang maaga ang iyong taya (bago matapos ang nasabing sports event).
14.2. Magagamit lang ang Cashout para sa mga single bet at maaaring hindi magagamit para sa ilang partikular na match o outcome.
14.3. Ang cashout ay maaaring gamitin anumang oras pagkatapos mailagay ang taya, hangga't ang opsyon na "sell bet" ay magagamit pa rin para sa nasabing taya. Sa ilang mga kaso, ang opsyon na "sell bet" ay maaaring hindi magagamit para sa ilang mga teknikal na dahilan (walang magamit na stream, mga teknikal na error kapag ipinapakita ang score, atbp.); gayunpaman, ang opsyong ito ay maaaring magamit muli sa ibang pagkakataon.
14.4. Para magbenta ng taya, dapat ay rehistradong user ka. Ang opsyon ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagpunta sa “Bet slip – My bets” o “Profile – Bet history” sa website. Kapag nagbukas ka ng detalyadong impormasyon sa iyong taya, kailangan mong pindutin ang “Cashout” sa ibaba.
14.5 Ang magagamit na halaga ay ipapakita sa linya ng “Cashout” ng bet slip. Ang halagang ito ay maaaring mag-iba at hiwalay na kakalkulahin para sa bawat indibidwal na taya.
14.6. Maaari kang makaranas ng mga pagkaantala kapag humiling ka ng cashout. Ang kahilingan sa cashout ay maaaring mabigo kung kinansela o walang bisa ang sinabing outcome.
14.7. Ang halaga ng cashout na inaalok sa anumang panahon ay ang halagang ire-refund sa iyong account kung matagumpay ang iyong kahilingan.
14.8. Inilalaan ng aming website ang karapatang kanselahin ang mga transaksyon sa cashout sa mga sumusunod na kaso:
- Kung mali ang naipakitang halaga ng cashout
- Kung ang iyong taya ay naibenta pagkatapos malaman ang outcome ng market kung saan inilagay ang taya
- Kung mali ang pagkakaayos ng taya o ng outcome
- Kung ang pagpipiliang cashout ay ginamit kasabay ng mga bonus o promosyon
Kung ang pagbebenta ng taya ay kinansela, ang taya ay babayaran batay sa outcome ng sports event kung saan ito inilagay.
14.9. Inilalaan ng aming website ang karapatan na baguhin ang mga tuntunin o ihinto ang pag-aalok ng opsyon sa cashout nang hindi nagbibigay ng dahilan o paunang abiso.
15. Mga interval market
Ang terminong "Mga interval market" ay tumutukoy sa mga taya na inilagay sa mga resulta na nangyayari sa loob ng isang takdang panahon.
Para sa mga layunin ng pag-aayos ng taya, ang 14:59 ay itinuturing na ika-15 minuto, at ang 15:00 ay itinuturing na ika-16 na minuto.
Ang mga taya sa mga sumusunod na pagitan: 31-45 at 76-90 ay walang kasamang karagdagang oras.
Halimbawa:
Ang tayang Kabuuang Mga Goal ay Higit sa 0.5 ay inilagay sa sumusunod na pagitan: 1-15. Kung ang goal ay na-iskor sa 14:59, panalo ang taya na ito. Ngunit, kung ang goal ay na-iskor sa 15:00, ang taya na ito ay matatalo dahil ang goal ay itinuring na na-iskor sa sumusunod na pagitan: 16-30.
16. Soccer. Mga yellow card
- Para sa mga pusta sa bilang ng mga yellow card, hindi binibilang ang mga red card. Kung pinaalis ang isang player dahil nakatanggap ng dalawang yellow card, binibilang ito bilang isang yellow card. Ang mga card na ipinakita sa mga player na na-substitute, mga trainer o iba pang indibidwal na hindi lumalahok sa match ay hindi rin binibilang. Ang mga card na ipinakita pagkatapos ng huling pito ay hindi rin binibilang. Ang mga card na ipinakita sa panahon ng half-time break ay itinuturing na ipinakita sa ikalawang half.
- Ang mga pusta kung aling team ang tatanggap ng unang yellow card o gagawa ng unang substitution. Kung ang mga tinukoy na event ay naganap para sa parehong team sa parehong minuto, ayon sa match protocol, ang mga pusta ay isinasaayos sa odds na 1.00.